3 kilabot na karnaper timbog
February 4, 2007 | 12:00am
Nagwakas ang pamamayagpag ng tatlong kilabot na karnaper na pinaniniwalaang umiikot sa parte ng Bulacan matapos na maaresto ang mga ito sa aktong naghihintay ng buyer sa kinarnap nilang sasakyan sa lungsod ng Valenzuela kahapon ng hapon.
Nakilala ang mga nadakip na sina Joan Sembrano, 30; Sunday Casimiro, 25 at Richard Sedillo, 21, pawang residente ng Lingahan, Malanday sa nasabing lungsod.
Nadakip ang mga suspect matapos ang impormasyong natanggap ni SPO4 Manolito Manalo, hepe ng Warrant Section ng Valenzuela Police kaugnay sa nagaganap na transaksyon sa pagitan ng mga suspect at buyer ng mga ito sa McArthur Highway dakong alas-12:30 ng hapon. Agad namang pinuntahan ng mga awtoridad ang lugar at dito naaktuhan ang mga suspect na sakay sa isang karnap na owner-type jeep na may plakang TPA-311 at agad na inaresto ang mga ito.
Sa pagsisiyasat walang naipakitang mga papeles ang mga suspect kung saan nakumpirma na ang ibinebentang sasakyan ng mga ito ay pag-aari ng isang Arturo Renato Luz ng Pineville Subd., Brgy. Lawa, Meycuayan, Bulacan.
Kinarnap ang sasakyan noong Enero 1, 2007 habang nakaparada sa harap ng bahay ni Luz
Inihahanda na ang kaso laban sa mga nadakip. (Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended