^

Metro

4 na ‘tulak’ ng droga, timbog

-
Apat katao ang inaresto kasama ang umano’y supplier ng droga ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) kasabay ng pagkakumpiska ng tinatayang kalahating milyong piso ng shabu.

Iniharap kahapon ni MPD-District Director Sr. Supt. Danilo Abarzosa ang mga suspect na sina Manuelito Cuzon, alyas "Noneng", 46; Felicito "Chito" Aurelio, 44; Roberto Flora, 41; at Armando Castro, 27.

Nabatid na bago ang pag-aresto sa mga suspect ay nakatanggap ng importasyon ang MPD Station 1 tungkol sa umano’y talamak na bentahan ng droga nina Armando at Chito malapit sa Station 1 at 2. Dahil dito, nagsagawa ng surveillance at test-buy ang SAID-SOTU at bandang alas-10 ng gabi ay isinagawa ang pagsalakay sa kanto ng Herbosa at November Sts. na hinihinalang bagsakan ng droga at nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na suspect. Nakuha sa mga suspect ang 12 pirasong plastic sachet na tumitimbang na 400 grams ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P.5 milyon, 2 digital weighing scale at mga drug paraphernalia. Sinasabi pang arawang kumikita ang mga suspect ng P30,000-P50,000 sa pagbebenta ng bawal na gamot. (Gemma Amargo-Garcia)

APAT

ARMANDO CASTRO

CHITO

DANILO ABARZOSA

DISTRICT DIRECTOR SR. SUPT

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA POLICE DISTRICT

MANUELITO CUZON

NOVEMBER STS

ROBERTO FLORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with