^

Metro

Shootout: Karnaper patay, 3 timbog

-
Isang karnaper ang napatay matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng National Capital Regional Police Office- Regional Police Intelligence Unit, habang naaresto naman ang tatlo pang kasamahan nito, kahapon ng hapon sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Jack matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan, samantalang arestado naman ang mga kasamahan nito na sina Randy Sandoval, 33, tubong Tarlac; Diego Gravato, ng Vitas, Tondo at Reynaldo Liyena, 24.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Galas Police Station, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa Baloy St. Araneta Ave. Quezon City.

Bago ito, nabatid na nakatanggap ang NCRPO-RPIU ng report na may ilang kalalakihan na sakay ng isang carnap vehicle na Mitsubishi Lancer na may plakang NHS-799 na kulay cream.

Galing Muntinlupa ang mga suspect hanggang sa ialarma at sundan ng mga awtoridad sa Baloy St. Isa sa mga suspect ang agad na nagpaputok ng baril na nagbunsod upang gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, tinangka pa ng mga suspect na hagisan sila ng granada, subalit agad din naman nila itong nasakote.

Iginiit naman ni Liyena na aplikante lamang siya at napagkamalan lamang siya ng mga pulis. (Doris Franche)

BALOY ST. ARANETA AVE

BALOY ST. ISA

DIEGO GRAVATO

DORIS FRANCHE

GALING MUNTINLUPA

MITSUBISHI LANCER

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-GALAS POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with