Pagbabalik ni Peewee hinarang: Pasay riot: 30 sugatan
February 2, 2007 | 12:00am
Tatlumpung katao na kinabibilangan ng mga pulis at mga supporter ni suspended Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad ang iniulat na nasugatan nang sumiklab ang matinding tensyon matapos tangkaing pasukin ng grupo ng huli ang loob ng Pasay City Hall Office kahapon.
Nabatid na makikipagdiyalogo sana si Trinidad sa kasalukuyang nakaupong alkalde na si Mayor Allan Panaligan upang ibigay din dito ang isang sulat na nagsasabing tapos na ang kanyang preventive suspension at babalik na sila sa puwesto.
Bukod dito ikinatuwiran pa ng mga abogado ni Trinidad na hindi naman aniya pinal ang inilabas na dismissal order ng Office of Ombudsman sa kanilang kliyente noong Enero 15 ng taong kasalukuyan dahil nakasaad anila sa batas na walang karapatang mag-dismiss ang nabanggit na tanggapan sa isang elected official.
Hindi naman ito kinilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasabay ng pagsasabing kailangang makapagpakita muna ng grupo ni Trinidad ng temporary restraining order (TRO) buhat sa Court of Appeals (CA) at saka lamang makakabalik ang mga ito sa puwesto.
Bago mag-alas-9 kahapon ng umaga ay dumating na ang supporters ni Peewee upang igiit at suportahan ang pagbalik nito sa puwesto kaya sumiklab ang matinding tensyon sa loob at labas ng Pasay City Hall Office.
Nagkaroon ng batuhan, paluan at pag-kanyon ng tubig sa pagitan ng mga pulis na nakatalaga sa Southern Police District Office (SPDO), Pasay City Police, mga bumbero at mga supporters ni Trinidad.
Maging si Trinidad ay nakanyon din ng tubig matapos nitong muling pasukin ang city hall upang makipag-diyalogo nga kay Panaligan, na kasalukuyan namang nasa loob lamang ng kanyang opisina habang nagkakagulo sa labas.
Muling umatras si Trinidad at ang grupo nito at sabay na bumalik ng kanyang sasakyan matapos na maligo nang wala sa oras dahil sa binombang tubig.
Dahil sa kaguluhang ito, 30 katao ang sugatan, na kinabibilangan ng mga pulis, ilang bumbero at mga tagasuporta ni Trinidad.
Sinabi ng nasuspending alkalde, na wala silang balak i-take-over ang Pasay City Hall Office, nais lamang aniya nila ay ipaalam kay Panaligan na tapos na ang kanyang preventive suspension.
Hanggang sa ngayon ay bantay sarado ang mga pulis sa loob at labas ng Pasay City Hall upang bantayan ang posibleng karahasan na namang magaganap dito.
Matatandaan, na noong nakaraang taon ay nasuspinde si Trinidad, ang bise alkalde nitong si Antonino Calixto at 12 konsehal, matapos masangkot sa umanoy maanomalyang multi-milyong kontrata sa basura.
Samantala, ibinasura ng DILG ang kahilingan ni Trinidad kasabay ng pagsasabing wala umanong legal na basehan ang petition nito na ang kanyang dismissal ay depende sa kalalabasan ng kanyang motion for reconsideration kaya marapat lamang na ibalik siya bilang alkalde.
Sa dalawang pahinang rejoiner, ipinaliwanag ni DILG Legal chief Emeterio Moreno Jr. na base sa Section 7, Rule III ng Rules of Procedures of the Office of the Ombudsman na nagsasaad na hindi maipatitigil ng apela ang decision na ikinokonsidera nang executory. Aniya wala namang legal na basehan ang request ni Trinidad na maibalik muna siya sa Pasay City Hall habang wala pang desisyon ang kanyang iniharap na motion for reconsideration.
Nanindigan din ang DILG na hindi makababalik sa kanyang puwesto si Trinidad hanggat hindi ito nakakakuha ng court injunction.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended