Kinilala ang bumberong nasugatan na si F03 Nimrod Labrador, miyembro ng San Juan fire marshall.
Ayon sa ulat, dakong ala-1:48 ng madaling-araw nang masunog ang Excellent Seatworld Corp. na matatagpuan sa 166 A. Mabini kanto ng Roxas Sts., Brgy Addition Hills ng nasabing bayan.
Ang nabanggit na establisimento ay opisina ng mga nagbebenta ng ibat ibang klase ng upuan at accessories ng mga kotse na pag-aari nina Lucerio Ong at Sergio Yu.
Tumagal ng dalawang oras bago naideklarang under control ang naturang sunog na umabot sa ikaapat na alarma.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga pamatay sunog kung ano ang dahilan ng ng nasabing insidente. (Edwin Balasa)