Kaso ng hulidap at kidnap-extortion, tumataas
February 1, 2007 | 12:00am
Inalarma kahapon ng isang anti-kidnapping and crime group ang publiko lalo na ang mga negosyante, partikular ang mga Tsinoy laban sa umanoy lumalalang insidente ng kasong "hulidap at kidnap extortion" na kinasasangkutan ng ilang kagawad ng pulisya kung saan kamakailan lamang, isang negosyanteng Korean national na nakatakdang mamuhunan sa bansa ang naging biktima nito sa Makati City.
Sa isang unverified report na nakarating sa tanggapan ng National Police Commission (NAPOLCOM), nabatid na noong nakaraang linggo, isang Korean investor, na nakatakdang mamuhunan sa Pilipinas at pansamantalang hindi pinabanggit ang pangalan ang naging biktima ng hulidap ng isang kagawad ng pulisya na naganap sa Glorietta Shopping Mall sa Ayala Center, Makati City. Patuloy naman ang isinasagawang beripikasyon sa insidente at kung sino ang naturang pulis na suspect.
Dahil dito, nanawagan at inalarma ni Teresita Ang-See, chairperson ng Citizens Against Crime and Corruption ang publiko lalo na ang mga negosyanteng Tsinoy, na labis na mag-ingat laban sa ilang kagawad ng pulisya, na sangkot sa hulidap at kidnap extortion na kadalasang binibiktima ay mga negosyante.
Base sa rekord ng grupo ni See, patuloy na tumataas ang insidente ng hulidap at kidnap-extortion sa bansa at pakana ng ilang tiwaling tauhan ng pulisya. (Lordeth Bonilla/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended