^

Metro

Mag-asawang ‘tulak’ arestado

-
Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang mag-asawa na kapwa kilabot na tulak ng shabu kung saan ginawa pang taga-deliber ang isang 9-anyos na bata sa Islamic Center sa Quiapo, Maynila.

Nakilala ang mga dinakip na sina Bokary Bora, alyas Bukari at Noraesa Papala Bora, kapwa ng Brgy. 648, No. 67 Carlos Palanca St., Islamic Center, Quiapo.

Nailigtas naman sa mga ito ang isang 9-anyos na bata na anak ng nagreklamong si Saharah Pagagao, residente rin sa naturang lugar. Nasamsam sa mag-asawang suspect ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng mahigit sa 22 gramo ng shabu at mga paraphernalias.

Sa ulat ng NBI- National Capital Region, lumapit sa kanila si Pagagao na nagsabing ikinukulong ang kanyang anak ng mga suspect noon pang Nobyembre 18, 2006.

Nag-ugat ito nang pumayag si Pagagao na magbenta ng shabu para sa mag-asawa nang walang puhunan kung saan ginawang kolateral ang kanyang anak para makatiyak na hindi niya tatakbuhan ang mga ito.

Ginawa lamang umano niya ito dahil sa kakapusan sa pera. Ngunit nang makalabas siya sa Islamic Center, isang nagpakilalang pulis ang umaresto sa kanya at kinuha ang dala niyang ilegal na droga ngunit hindi na siya ikinulong.

Agad naman siyang bumalik sa tahanan ng mag-asawa na hindi naniwala sa kanya at hindi ibinalik ang kanyang anak hanggang hindi umano niya nababayaran ang P15,000 halaga ng kinuhang droga.

Dito na lumapit si Pagagao sa NBI na naghanda sa isinagawang entrapment kung saan nadakip ang mag-asawa. Matapos mabawi ang paslit, ipinagtapat nito na maging siya ay ginagamit ng mag-asawa sa pagdedeliber ng shabu sa mga parukyano ng mga ito sa loob at labas ng Islamic Center at saka muling ikukulong sa bahay matapos ang kanyang serbisyo. (Danilo Garcia)

BOKARY BORA

CARLOS PALANCA ST.

DANILO GARCIA

ISLAMIC CENTER

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION

NORAESA PAPALA BORA

PAGAGAO

SAHARAH PAGAGAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with