^

Metro

Holdaper patay sa engkuwentro

-
Isa na namang pinaniniwalaang holdaper ang napatay matapos na pumalag at makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.

Kinukumpirma pa ng mga awtoridad kung ang pangalan nga ng nasawi ay ang nakasaad sa narekober ditong barangay clearance na Edwin Rodriguez, 23, ng Brgy. Bungad, Quezon City.

Sa ulat ng QCPD-Baler Station, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa Bulacan St., Brgy. Bungad ng naturang lungsod.

Napag-alaman na nakitang palakad-lakad at may kahina-hinalang kilos ang suspect na nang sitahin ng mga nagrorondang pulis sa bahagi ng Bulacan St. ay nagtatakbo ito habang pinapuputukan ang mga awtoridad. Gumanti naman nang pagpapaputok ang mga pulis na ikinatama sa suspect at naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Nakuha sa suspect ang isang kalibre .22 na paltik na baril. Pinaniniwalaang labas-pasok ito sa piitan dahil na rin sa tadtad ng tattoo ang katawan. (Doris Franche)

vuukle comment

BALER STATION

BRGY

BULACAN ST.

BUNGAD

DORIS FRANCHE

EDWIN RODRIGUEZ

GUMANTI

ISA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with