Sa tax payment extension
January 30, 2007 | 12:00am
Hinikayat ni Quezon City Mayor Feliciano "SB" Belmonte ang mga business establishment owners na i-avail na ang itinakdang ekstensyon ng Quezon City government para sa pagbabayad ng buwis sa lokal na pamahalaan.
Hanggang Enero 31 (bukas) ang ibinigay na extension ng QC hall sa mga business establishment owners para makapagbayad ng buwis mula sa dating Enero 20 deadline.
Ayon kay Belmonte na lahat ng business taxes at fees na hindi makakatugon sa deadline ay papatawan na nila ng 25 percent penalty at buwanang interest na 2 percent kapag hindi nakabayad hanggang Enero 31.
May 65,000 business establishment ang QC. Bukas ang QC city hall mula Lunes hanggang araw ng Linggo mula alas- 7 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon para serbisyuhan ang mga taxpayers.
Mula naman nang pumasok ang Enero, 2007, iniulat ni City Treasurer Victor Endriga na nakakolekta na sila ng may P1.6 milyon mula sa buwis sa loob lamang ng 22 araw bunsod na rin ng pinahusay na tax collection strategy na ipinatutupad ni Mayor Belmonte. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest