^

Metro

Metro Guwapo, ipatutupad ng Guwapo cops

-
Upang mapaigting ang proyektong Metro Guwapo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tatapatan ito ng "Guwapo Cops" na i-dideploy sa mga pangunahing lansangan upang ipatupad ang mga simpleng patakaran ng ahensiya.

Sa isang pang-umagang programa sa radyo kahapon ni MMDA Chairman Bayani Fernando, ipinahayag nito, na nakipag-usap na sila kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, General Reynaldo Varilla upang hingin ang tulong ng mga pulis na kanilang kukunin para italaga sa programang Metro Guwapo ng MMDA.

Ngunit ang mga tinaguriang Guwapo Cops ay hindi magta-trapik at hindi manghuhuli ng mga traffic violator, dahil ang 2,000 traffic enforcer lamang ng MMDA ang manghuhuli ng traffic violator at ang siyang magta-traffic.

Tungkuli ng mga Guwapo Cops na hulihin ang lahat ng mga pulubi, palaboy, taong grasa, snatcher, mga nakahubad, mga nag-iinuman ng alak sa kalye, mga nagtatapon ng basura sa kalye at estero.

Sinabi ni Fernando, na ang ganitong uri ng prinsipyo ay ginamit ng dating alkalde ng New York sa Estados Unidos na si Rudolf Gullani kung kaya’t kilala ang New York na isa sa pinakamagandang lugar sa buong mundo. (Lordeth Bonilla)

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

GENERAL REYNALDO VARILLA

GUWAPO COPS

LORDETH BONILLA

METRO GUWAPO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NEW YORK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with