^

Metro

Maglive-in partner timbog sa illegal recruitment

-
Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang maglive-in partner na illegal recruiter matapos isagawa ang isang entrapment operation kahapon ng madaling-araw sa loob ng bus terminal sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula ang mga suspect na sina Johnny Marfil, 33 ng Brgy. Bahay Toro, Quezon City at Norma Munar, 51 ng Cayetano St. Fatima Compound, Valenzuela.

Ayon kay QCPD-Kamuning Police Station chief, Supt. Dante Narag, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang magsagawa ng entrapment operation ang pulisya laban sa maglive-in partner sa loob ng Dominion Bus Terminal sa New York St. Cubao, Quezon City.

Nabatid na isang Marilyn Dabanes, 47 ang humingi ng tulong sa pulisya upang ireklamo ang ilang ulit na paghingi ng pera ng mga suspect upang makaalis siya ng bansa at makapagtrabaho bilang factory worker sa China.

Hindi na nag-atubili pa si Narag at agad na pinagplanuhan ang entrapment kung saan kinumbinsi din ng mga ito si Dabanes na muling makipagkita sa mga suspect upang ibigay ang hinihinging halaga na P6,000 bilang processing fee ng mga papeles. Una nang nagbigay ng P10,000 ang biktima.

Mabilis na dinakip ng pulisya ang dalawa nang tanggapin ng mga ito ang P6,000 marked money.

Lumilitaw sa record na may 100 katao na ang nabiktima ng mga suspect kung saan ilan sa mga naloko ng mga ito ay naging prostitute na lamang umano sa China.

Bunga nito, nanawagan si Narag sa mga nabiktima ng dalawa na maghain ng reklamo upang maging large scale illegal recruitment ang kaso kung saan walang irerekomendang piyansa ang korte. Pansamantalang kakasuhan ng estafa ang maglive-in partner. (Doris Franche)

BAHAY TORO

CAYETANO ST. FATIMA COMPOUND

DANTE NARAG

DOMINION BUS TERMINAL

DORIS FRANCHE

JOHNNY MARFIL

KAMUNING POLICE STATION

MAGTANGGOL GATDULA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with