Bangkay ng bagong panganak na sanggol iniwan sa sementeryo
January 27, 2007 | 12:00am
Isang bagong panganak na sanggol ang natagpuang patay ng isang sepulturero sa ibabaw ng isang puntod kamakalawa ng hapon sa Lungsod ng Mandaluyong.
Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng sanggol sa ibabaw ng puntod sa loob ng Aglipay Cemetery na matatagpuan sa Brgy. Vergara ng nasabing lungsod.
Nabatid na isang sepulturero na naglilinis ng puntod ang nakatagpo sa isang maliit na kahon at nang tingnan niya ang laman nito ay laking gulat niya nang tumambad sa kanya ang bangkay ng isang sanggol.
Agad naman niya itong ipinagbigay-alam sa pulisya at sa ginawang imbestigasyon ay nakuha sa loob ng kahon ang hospital tag ng sanggol kung saan ang pangalan ng ina nito ay nakilalang si Reynabeth Mayuga na nakatira sa 16-B Intan St. Brgy. Bagong Barrio Caloocan City.
Kung mapapatunayan na ang ina nito ang nag-iwan sa sanggol ay posibleng maharap ito sa kasong kriminal.
Posible na namatay ang sanggol sa ospital at dahil sa walang sapat na pera ang magulang ay sadya na lang iniwan ang bangkay nito sa nasabing sementeryo.
Pinabendisyunan na sa pari ang bangkay ng sanggol at ilalagak ito sa maayos na libingan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest