Asst. principal na bading, kinatay ng 3 bisita
January 27, 2007 | 12:00am
Tadtad ng saksak ang isang 45-anyos na assistant principal na umanoy bading matapos na pagtulungang tarakan ng tatlong kalalakihan na bisita nito sa loob mismo ng kanyang bahay sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.
Patay na nang matagpuan ang biktimang si Edgar Noble, nakatalaga sa Camarilla Elementary School sa Murphy, Cubao, Quezon City at residente ng Block 30, Lot 40, Blueberry St., Good Harvest Subdivision, Brgy 172, Caloocan City.
Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspect na hinihinalang kakilala ng biktima.
Sa ulat ng pulisya, alas-2 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente matapos na patuluyin ng biktima ang tatlong suspect sa kanyang bahay.
Ayon kay Albino Sumalde, deputy officer ng Brgy. 172, bago ang insidente, nakita pa umano ito ng ilang kapitbahay na labas pasok sa kanyang bahay na tila balisa at may hinihintay hanggang sa dumating ang tatlong kalalakihan at saka pinapasok sa loob ng kanyang bahay.
Nabatid na pinagkape pa ng biktima ang tatlong lalaki base sa apat na basong nakita sa sala ng bahay kung saan nagkaroon pa ang mga ito ng pag-uusap.
Ilang sandali, nakita na lamang umanong humihingi ng saklolo ang alalay ng biktima na si Ryan Alcaide dahil sa pinagsasaksak ng mga suspect ang biktima. Tumakas ang mga salarin matapos ang isinagawang krimen.
Napag-alaman kay Sumalde na ang biktima ay isa umanong bading at maraming mga kaibigang lalake na madalas na nagpupunta sa bahay nito. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended