^

Metro

Paslit dinukot, binigti ng mag-asawang adik

-
Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 8-anyos na batang babae matapos itong dukutin sa lungsod ng Pasig noong Enero 21 ay natagpuang patay apat na araw ang nakalipas sa isang Creek sa Taytay, Rizal.

Ang biktima na hubo’t hubad at may mga palatandaan pa na pinahirapan muna bago pinatay ay nakilalang si Maricris Labarientos, grade 2 pupil at residente ng 241 Bedana St., Brgy. San Miguel Pasig City. Sinasabing pinatay sa bigti at sinunog pa ang biktima. Kinalbo pa ito ng mga salarin.

Samantala, naaresto naman ang isa sa mga suspect na nakilalang si Evelyn Amapa, 41, habang pinaghahanap pa ang asawa nitong si Elie, pinaniniwalaang drug adik at kapwa nakatira sa Sitio Hapay na Mangga Brgy. Dolores Taytay, Rizal.

Sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-9 ng umaga sa gilid ng creek na matatagpuan sa Chilern Subd. Cabrera Road, Taytay, Rizal ng isang Rodel Mendoza nang sundan nito ang pinagmulan ng masangsang na amoy at laking gulat nang tumambad sa kanya ang katawan ng bata na malapit nang mabulok dahil sa pagkakababad sa tubig.

Ang natuklasan ay agad namang iniulat sa pulisya at nagsagawa ng masusing imbestigasyon.

Positibo namang kinilala ni Mylene Reyes, 30, nanay ng biktima na anak nga niya ang bangkay na natagpuan na dinukot ng mag-asawang suspect sa kahabaan ng Bedana St. noong nakalipas na Linggo habang patungo ito sa bahay ng tiyahin di kalayuan sa kanilang tirahan.

Samantala naaresto ang suspect na babae kamakalawa ng hapon matapos na lumutang ang mga saksi na nakakita sa pagdukot at isinalarawan ang mag-asawa.

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya para sa agarang pagkakahuli sa lalaking suspect.

Patuloy pa ring sinisiyasat ang insidente. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BEDANA ST.

CABRERA ROAD

CHILERN SUBD

DOLORES TAYTAY

EDWIN BALASA

EVELYN AMAPA

MANGGA BRGY

MARICRIS LABARIENTOS

MYLENE REYES

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with