Sa nakalap na dokumento ng Pilipino Star Ngayon, ang grupo ni Rafael ang isa sa mga pumatay sa kanyang ama matapos na mag-isyu ng warrant of arrest ang kanyang ama laban sa mga ito sa kasong robbery.
Si Pattugalan ay dating hukom ng Baggao, Cagayan.
Maaaring paghihiganti ang motibo sa pagpaslang sa naturang judge.
Ayon kay Ducusin, Oktubre 2005 nang unang pagtangkaan ang buhay ng kanyang ama ng mga suspect hanggang sa napilitan itong magpalipat ng assignment.
Subalit isang text message ang kanilang natanggap noon na nagsasabing "naka-bullet proof yata si judge at hindi napuruhan".
Ang cellphone number ay pansamantalang itinago at bineberipika ng mga awtoridad.
Bukod dito, pinaghahanap din ng mga awtoridad ang isang balut vendor na sinasabing nakakita ng insidente at posibleng makapagbigay ng impormasyon sa kaso.
Nagtagumpay ang mga suspect nitong Enero 19 kung saan napatay ang naturang hukom.