Holdaper utas sa shootout
January 24, 2007 | 12:00am
Bumulagta ang isang holdaper na madalas umiskor sa mga fly-over matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Cubao Police Station kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dalawang tama ng bala sa ulo at katawan ang agad na ikinamatay ng suspect na nasa 30-35 ang edad, manipis ang buhok, nakasuot ng orange na t-shirt at tadtad ng tattoo ang katawan ng mga pangalang "Aboy", "Rex" at "Jun Calonsagan".
Ayon kay PO1 Fernando Balugay Jr., ng QCPD-Cubao Station, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa flyover sa Aurora Blvd., Cubao, ng nasabing lungsod
Sa testimonya ng biktimang si Brian Corbala, 21, naglalakad umano siya sa naturang fly-over nang tutukan siya ng baril at holdapin ng suspect at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone at P400 na cash. Agad naman siyang humingi ng tulong sa mga pulis kayat agad na nagresponde ang ilang tauhan nito sa naturang lugar kasama ang biktima at positibong itinuro ang suspect na umanoy nambiktima sa kanya.
Subalit nang magpakilala ang grupo ng mga pulis ay mabilis na bumunot nang baril ang suspect at agad pinaputukan ang mga awtoridad saka nagtatakbo kayat napilitan na ang mga pulis na barilin ito. Narekober sa suspect ang cellphone na Nokia 3310 at P400 cash na kinulimbat sa biktimang si Corbala. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended