^

Metro

Dennis Roldan nadadawit sa pag-utas sa Tsinoy

-
Nadadawit na naman ang pangalan ni dating congressman at aktor na si Dennis Roldan sa pagkamatay ng isang Tsinoy sa Binondo, Maynila nitong nakaraang Linggo.

Isang anggulong tinitingnan ng Manila Police District sa pagpaslang sa biktimang si Lester Lee Mancilla, 35, ng Masangkay St., Binondo ay bigong kidnapping. Posibleng pumalag ang biktima sa mga suspect na nagtangkang kumidnap sa kanya dakong alas-11 ng tanghali noong Linggo kaya ito tinuluyan ng mga suspect.

Naganap ang insidente sa tapat ng YMCA Bldg. sa Gandara St., Binondo, Maynila.

Kung hindi man umano, maaaring paghihiganti ang ugat sa pamamaslang.

Nabatid na si Mancilla ay tiyuhin ng kidnap victim na si Kenchi Yu. Ang paslit na umano’y dinukot ng grupo ni Roldan sa Pasig, kamakailan.

Tinitingnan ang anggulo na posibleng naghihiganti ang grupo ni Roldan sa pamilya Yu.

Gayunman, sinabi ni MPD Homicide Det. Rommel del Rosario, na bagamat kaanak ni Kenchi Yu si Mancilla ay hindi naman umano nakikialam at hindi rin tumutulong sa kaso ng pamangkin ang nasawi para madiin si Roldan. Hindi rin umano ito saksi sa naturang kaso tulad nang naunang lumabas sa ulat.

Isa pang anggulo ang binubusisi ng pulisya tungkol sa isang bodyguard ni Mancilla na sinibak nito sa trabaho.

Alam na ng pulisya ang pangalan ng naturang sinibak na bodyguard ng nasawi, pero hindi muna ito ibinigay sa media habang isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon.

Kaugnay nito, naalarma na naman ang Chinese community sa ganitong mga pangyayari dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng kidnap lalo na’t malapit na ang eleksyon. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BINONDO

DANILO GARCIA

DENNIS ROLDAN

GANDARA ST.

HOMICIDE DET

KENCHI YU

LESTER LEE MANCILLA

LINGGO

MANCILLA

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with