^

Metro

Proteksiyon ng pamilya Pattugalan, hiniling sa QCPD

-
Nangangamba ang pamilya ng napatay na si Metropolitan Trial Court Judge Nathaniel Pattugalan sa kanilang seguridad na posibleng minamanmanan din ng mga suspect ang kanilang bahay sa Roosevelt Avenue, Quezon City.

Ito naman ang apela ni Lean Ducusin, reporter ng pahayagang People’s Tonight at anak ni Judge Pattugalan matapos na ambusin ang kanyang ama noong Biyernes ng gabi sa Elliptical Road, Quezon City.

Ayon kay Ducusin, umaapela sila sa pamunuan ng QCPD na bigyan sila ng sapat na proteksiyon lalo pa’t posibleng alam ng mga suspect ang kanilang tirahan at ang araw-araw na routine ng kanyang ama. Aniya, hindi malayong mangyari sa kanila ang sinapit ng kanyang ama.

Pinaniniwalaang ang mga kontrobersiyal na kasong hawak ng kanyang ama ang motibo ng pamamaslang at ang pagpapalabas nito ng warrant of arrest sa isang maimpluwensiyang pamilya sa Baggao, Cagayan noong nakatalaga pa lamang ito bilang hukom sa nasabing lalawigan.

Si Pattugalan ay dalawang linggo pa lamang nakatalaga sa QCMTC matapos na hilingin sa Korte Suprema ang pagpapalipat sa kanya mula sa Baggao, Cagayan bunga na rin ng mga pagbabanta sa kanyang buhay. (Doris Franche)

BAGGAO

DORIS FRANCHE

ELLIPTICAL ROAD

JUDGE PATTUGALAN

KORTE SUPREMA

LEAN DUCUSIN

METROPOLITAN TRIAL COURT JUDGE NATHANIEL PATTUGALAN

QUEZON CITY

ROOSEVELT AVENUE

SI PATTUGALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with