2 bagets timbog - 12-anyos na lalaki ginahasa
January 21, 2007 | 12:00am
Arestado ang dalawang kabataang lalaki makaraang halinhinan umanong gahasain ng mga ito ang isang 12-anyos na batang lalaki kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Nakakulong ngayon sa Marikina City Police ang mga suspect na sina John Lucky Sunar, 19, at isa pang 17-anyos na binatilyo makaraang ireklamo ng magulang ng biktima na itinago sa pangalang Maximo, 12, grade 6 student at residente ng Homepoint Village Brgy. Fortune ng lungsod na ito.
Sa ulat ng Womens and Childrens Desk ng Marikina police, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi habang bumili sa tindahan ang biktima at madaanan ng dalawang suspect na nag-iinuman sa loob ng isang Tamaraw FX.
Tinawag umano ng mga suspect ang biktima at pinapasok sa loob ng sasakyan upang painumin ng alak hanggang sa simulang hubaran ng shorts ang biktima at gahasain sa pamamagitan ng pagpasok ng ari nito sa puwet ng huli habang pinapanood lang sila ni Sunar.
Matapos makaraos ay pinauwi na ng mga suspect ang biktima na agad namang nagsumbong sa kanyang magulang na humingi ng tulong sa barangay para arestuhin ang mga suspect.
Mariin namang itinanggi ng mga suspect ang akusasyon sa kanila ng biktima. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest