Tsinoy nalugi sa negosyo, nag-suicide
January 19, 2007 | 12:00am
Dahil sa umanoy unti-unting pagkalugi sa negosyo, sa pang-apat na tangkang pagpapatiwakal ay natuluyan ang isang 50-anyos na negosyanteng Tsinoy matapos matagpuan ang bangkay nito sa isang stock room kahapon ng umaga sa Makati City.
Matigas na ang katawan ng biktima na si Alberto Chua habang nakabitin gamit ang isang nylon cord nang matagpuan sa loob ng stock room ng Golden Hills Lumber and Hardware sa may #495 J.P. Rizal St., Brgy. Olympia ng nasabing lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SP01 Lewilie Cristobal, ng Homicide Section ng Makati Criminal Investigation Unit (CIU) dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang biktima na nakatali ang leeg at nakabitin sa kisame.
Unti-unting pagkalugi sa negosyo ang isa sa anggulong iniimbestigahan ngayon ng pulisya na naging dahilan umano ng pagpapatiwakal ng biktima. Nabatid na tatlong beses na umanong nagtangkang magpakamatay si Chua, sa unang pagtatangka lumulon ito ng watusi, sa pangalawa at pangatlo ay nagtangka naman itong magbigti. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended