^

Metro

Panday, pinayagan ng korte na lumipat ng kulungan

-
Pumayag ang Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na ilipat si Rufino Panday mula Kampo Karingal detention cell papuntang custodial service ng Philippine National Police sa Camp Crame.

Ito ay makaraang katigan ni Regional Trial Court (RTC) Branch 84 Judge Luisito Cortes ang kahilingang custody transfer ni Panday, isa sa pinaghihinalaang suspect sa pamamaslang kay Abra Rep. Luis Bersamin Jr. noong nakaraang Disyembre.

Iginiit ng pamilya ni Panday sa korte na mailipat si Rufino sa ibang selda mula Kampo Karingal dahil sa pangambang may banta sa kanyang buhay dito.

Unang sinasabi ng pamilya ni Panday na pini-pressure umano si Rufino ni Supt. Franklin Mabanag ng QC Police Criminal Investigation Unit kaugnay ng kaso.

Unang inamin ni Panday na noong magsilbing look-out noong Disyembre 16, binayaran pa nga umano siya ni Valera ng P5 milyon para paslangin si Bersamin nang mag-sponsor sa isang kasal sa Mt. Carmel Church sa Quezon City.

Pinabulaanan naman ni Mabanag ang alegasyon sa kanya ni Panday at nagsabing ginagawa lamang ng pulisya ang tungkulin batay sa desisyon ng korte.

Takdang basahan ng sakdal kaugnay ng Bersamin-slay case si Panday sa Pebrero 7. (Angie dela Cruz)

ABRA REP

BERSAMIN

CAMP CRAME

DISYEMBRE

FRANKLIN MABANAG

JUDGE LUISITO CORTES

KAMPO KARINGAL

LUIS BERSAMIN JR.

MT. CARMEL CHURCH

PANDAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with