Suspect sa Bersamin slay, bumaligtad
January 17, 2007 | 12:00am
Inakusahan ng suspect sa Bersamin killing na si Rufino Panday ang isang mataas na opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) na pinahirapan siya at tinorture kung kayat napilitan siyang idawit sina Abra Gov. Vicente Valera at dating Vice Mayor Freddie Dupo sa pamamaslang kay Abra Congressman Luis Bersamin noong nakaraang buwan.
Ayon sa legal counsel ni Panday na si Atty. Galileo Angeles na tinakot at pinahirapan umano siya ni Sr. Supt. Franklin Mabanag, hepe ng QCPD-Criminal Investigation Division sa tuwing magsasalita tungkol sa kaso.
Ito na rin ang nagbunsod sa kanya upang hilingin na ilipat na siya sa QC jail dahil mas ligtas umano siya rito kaysa sa QCPD-CIU. Sa katunayan, may commitment order na siya sa QC jail noong Disyembre 20 pa subalit pinipigil pa rin siya ni Mabanag.
Sinabi ni Panday na matapos na maganap ang pamamaslang kay Bersamin, tatlong ulit na rin siyang inimbitahan ng mga pulis subalit nang ikaapat na imbitasyon ay hindi na siya pinakawalan ng mga pulis.
Idinagdag pa ni Panday na wala naman siyang nalalaman sa krimen at napilitan lamang dahil sa pananakot. Subalit ayon naman kay Mabanag, matagal na sanang binawi ni Panday ang kanyang statement kung wala itong kinalaman sa kaso.
Inihahanda naman ng QCPD ang pagsasampa ng kasong perjury laban kay Panday.
Matatandaan na si Bersamin ay pinatay matapos dumalo sa kasal ng pamangkin noong Disyembre 15 sa Mt. Carmel Church sa Quezon City. (Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended