May sukbit pang baril sa beywang: Naaagnas na bangkay natagpuan
January 17, 2007 | 12:00am
Dahil sa umaalingasaw na mabahong amoy, isang naaagnas na bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na may sukbit pang baril sa beywang ang natagpuan kahapon sa isang bakanteng lote sa Parañaque City.
Habang sinusulat ang balitang ito, inaalam pa ng Parañaque City police ang pangalan ng biktima at inaalam din kung ito ba ay binaril o sinaksak.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-10:23 ng umaga nang matagpuan sa isang bakanteng lote sa panulukan ng Bodoni at Guideline streets, Area 3, Fourth State, Brgy. San Antonio ang bangkay ng lalaki kung saan sukbit ang isang kalibre .38 baril sa beywang.
Ang bangkay na natuklasan dahil naman sa umaalingasaw na mabahong amoy na nalalanghap ng mga residente rito. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended