Riding in tandem sumalakay sa Pasig
January 17, 2007 | 12:00am
Mahigit sa kalahating milyong pisong payroll money ang natangay ng tatlong armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo makaraang harangin at paputukan ang sasakyan ng dalawang negosyante, kahapon ng tanghali sa Pasig City.
Nakilala ang mga biktima na sina Ricky Reynes, 49 at Velmor de Rona, 27, kapwa may-ari ng Eastline Transcripting Outsourcing Inc. ang dalawa na nakuhanan ng kabuuang P550,000 ng tatlong suspect.
Ayon kay PO3 Roger Baltazar, may hawak ng kaso naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng tanghali habang binabaybay ng mga biktima sakay ng kanilang Toyota Corona na may plakang UDY-305 ang kahabaan ng C-5 Road Flyover Brgy. Ugong ng nasabing lungsod galing sa pagwi-withdraw sa bangko.
Bigla na lamang umano silang hinarang ng isang motorsiklo sakay ng mga suspect na pawang armado ng kalinbre .45 baril at mabilis na pinaputukan ang magkabilang gulong sa unahan ng kanilang kotse.
Matapos ito ay mabilis na bumaba ang dalawa sa mga suspect at binasag ang salamin ng kotse ng mga biktima habang ang isa ay nakabatay sa motorsiklo at nagsilbing look out.
Matapos makuha ang brown envelope na nagkakahalaga ng P450,000 kay Reynes at P100,000 naman kay de Rona ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect sakay ng kanilang motorsiklo patungo sa hindi batid na direksyon at upang hindi masundan ay nagpaputok pa ang mga ito ng warning shot habang tumatakbo.
Ayon sa pulisya, posibleng natiktikan ng mga suspect na nakapaglabas sa bangko ng malaking halaga ang mga biktima. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended