^

Metro

Pusher hinatulan ng life sentence

-
Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng QC Regional Trial Court ang isang 37-anyos na lalaki na napatunayang nagkasala sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot may apat na taon na ang nakalipas.

Batay sa 3-pahinang desisyon na ipinalabas ni QCRTC Branch 103 Judge Jaime Salazar, si Cipriano Cardenas ay napatunayang nagkasala ng paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o pagbebenta ng illegal na droga. Pinagmumulta rin ng korte ng P500,000 ang akusadong si Cardenas.

Sa rekord ng korte, inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Cardenas sa naganap na entrapment operation malapit sa bahay nito sa Litex Road, Brgy. Payatas, Quezon City dakong alas-4 ng hapon noong Enero 6, 2003.

Ayon sa pulisya, bago ang isinagawang buy-bust operation ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang impormante na talamak ang pagbebenta ni Cardenas ng illegal drugs sa lugar. Subalit sa testimonya ni Cardenas sa korte, sinabi nito na naglalakad siya sa kanilang lugar pauwi ng bahay nang harangin ng mga lalaki kasabay ng pagpoposas sa kanya. Itinanggi rin nito na nakuhanan siya ng shabu.

Gayunman, ayon sa hukuman, mahina at hindi kapani-paniwala ang testimonya ni Cardenas dahil maliwanag at matibay ang testimonya ng taga-usig laban sa akusado. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CARDENAS

CIPRIANO CARDENAS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JUDGE JAIME SALAZAR

LITEX ROAD

QUEZON CITY

REGIONAL TRIAL COURT

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with