^

Metro

Kaso vs Leviste, iimbestigahan ng NBI

-
Nais ng pamilya ng napatay ni dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste na paimbestigahan sa National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang kaso upang magkaroon aniya ng patas na imbestigasyon at lumabas ang katotohanan.

Mistulang nawawalan umano ng tiwala ang pamilya ng biktimang si Rafael Delas Alas, kung kaya’t nais hingin ng mga ito ang tulong ng NBI upang imbestigahan ang ginawang pagpatay sa kanilang padre de pamilya ng suspect na si Leviste.

Duda din umano ang pamilya ni delas Alas na homicide ang kaso kung kaya’t nais nilang malaman kung saan ang tama at estilo ng pagbaril dahil posible umanong murder ang kaso.

Sinabi ng Makati City Police na karapatan aniya ng pamilya ng biktima, na paimbestigahan nila sa NBI ito, ngunit gagawin pa rin nila ang kanilang trabaho.

Sa kabila nito sinabi din ni Sr. Inspector Eduardo Paningbatan, hepe ng Criminal Investigation Unit (CIU), Makati City Police, na isasampa pa rin nila ang naturang kaso sa Makati City Prosecutors.

Tinitingnan pa rin nila kung homicide o murder ang kasong dapat nilang isampa kay Leviste. (Lordeth Bonilla)

BATANGAS GOVERNOR JOSE ANTONIO LEVISTE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DUDA

LEVISTE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY PROSECUTORS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RAFAEL DELAS ALAS

SR. INSPECTOR EDUARDO PANINGBATAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with