^

Metro

Pamangkin ni Dina Bonnevie: Biktima ng gang rape

-
Isang 14-anyos na dalagita at umano’y pamangkin ng actress na si Dina Bonnevie ang halinhinang pinagsamantalahan ng tatlong kabataang kalalakihan kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Dalawa sa tatlong suspect ang nadakip ng Parañaque City Police at nakilalang sina Mikko Gimena, 19, ng Greece St., Brgy. Don Bosco, Parañaque City at Richard Vineracion, 20, ng no. 55 France St., ng nabanggit na barangay. Samantala, pinaghahanap naman ng pulisya ang isa pang suspect na si Phillip Oyama ng Camella Village, Brgy. Don Bosco. Ang mga ito ay pawang mga estudyante.

Samantala, ang biktima ay itinago sa pangalan nitong Alice, 14, isa ring estudyante, nakatira sa Harvard St., South Point Town Homes, Barangay Sun Valley, Parañaque City.

Sa sketchy report na natanggap ni Chief Supt. Roberto Rosales, District Director ng Southern Police District Office, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa nabanggit na lugar.

Kakilala umano ng biktima ang mga suspect kung kaya’t tiwala naman itong sumama sa bahay ng suspect na si Gimena. Ngunit hindi akalain ng dalagita na may gagawing masama sa kanya ang mga suspect hanggang sa halinhinan na itong pinagsamantalahan.

Nalaman ng mga magulang ng biktima ang sinapit nito at mabilis na ipinagbigay alam sa pulisya, na nagresulta nang pagkakadakip sa nabanggit na mga suspect.

Nabatid na tinangka pa ng ilang pulis na itago ang kaso sa hindi malamang dahilan. (Lordeth Bonilla)

BARANGAY SUN VALLEY

BRGY

CAMELLA VILLAGE

CHIEF SUPT

CITY POLICE

DINA BONNEVIE

DISTRICT DIRECTOR

DON BOSCO

FRANCE ST.

GREECE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with