Mayor Peewee, Calixto, mga konsehal tuluyang sinibak
January 14, 2007 | 12:00am
Matapos tuluyang suspendihin si Cavite Gov. Ayong Maliksi, tuluyan na ring sinibak sina Pasay City Mayor Peewee Trinidad, Vice-Mayor Tony Calixto at 11 konsehal dito.
Bukas Enero 15 nakatakdang ihain ng Department of Interior and Local Govt. (DILG ) ang dismissal form office order laban sa mga nabanggit na opisyal sa Pasay City hall.
Ang nasabing dismissal order ay base na rin sa naging pinal na desisyon ng Office of the Ombudsman kaugnay sa kasong paglabag sa anti-graft and corruption practices na isinampa ng isang Juanito del Mundo laban kina Trinidad, Calixto at mga konsehal nito.
Matatandaang una nang sinuspinde ng DILG na 6-buwan na walang suweldo ang mga nasabing opisyal matapos na masangkot ang mga ito sa maanomalyang garbage disposal sa lungsod.
Samantala, nakatakda rin hainan ng dismissal from office order si Jaen Nueva Ecija Mayor Tony Esquivel at Iloilo Gov. Neil Tupaz dahil pa rin sa paglabag sa anti-graft law.
Kaugnay nito, sa kautusan na rin ng Office of the Ombudsman na ibinaba noong Enero 11 at 12, ipinag-utos na rin ni DILG Sec. Ronaldo Puno ang agarang pagsuspinde laban kina Mamburao Occidental Mindoro Mayor Joel Panaligan; Aguilar Pangasinan Mayor Ricardo Evangelista at Vallaheromos, Negros Occidental Mayor Joniper Villegas dahil sa mga kaso ng unathorized use of public funds. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am