^

Metro

Maid inireklamo ng kahalayan ng amo

-
Sa maraming insidente, kadalasang ang mga katulong ang nagagawan ng kahalayan ng kanilang mga amo, pero sa insidenteng ito posibleng ang maharap sa kasong corruption of minor ay ang 18-anyos na  kasambahay matapos umano nitong gawan ng kahalayan ang dalawang anak ng kanyang among negosyante, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Isinasailalim sa masusing imbestigasyon si Lanie Obino, stay-in housemaid sa Yakal St., La Vista Subd., QC na galing sa Justine Lov Employment Agency sa Anonas Road, ng nasabi ring lungsod.

Base sa ulat ni SPO1 Florante Bolante, desk officer ng Quezon City Police District-Anonas Station 9, inaresto ang biktima dakong alas-11 ng umaga sa pinagsisilbihan nitong bahay.

Lumilitaw na inireklamo umano ng kanyang amo, na tumangging ipabanggit ang kanyang pangalan ang suspect matapos na isumbong umano ng kanilang houseboy na makailang beses umano nitong nakita na kahalikan ng maid ang 12-anyos na anak na lalaki ng kanilang amo.

Maliban dito, minsan rin umano nakita ng houseboy na ipinapalamas umano nito ang kanyang dibdib sa 3-anyos na babae na anak din ng kanilang amo.

Dahil dito ay agad na nagreklamo ang kanyang amo sa pulisya kung saan ay agad itong dinampot at pansamantalang ikinulong. (Doris m.franche)

ANONAS ROAD

DAHIL

FLORANTE BOLANTE

ISINASAILALIM

JUSTINE LOV EMPLOYMENT AGENCY

LA VISTA SUBD

LANIE OBINO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-ANONAS STATION

YAKAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with