Dalaga ni-rape slay sa QC
January 14, 2007 | 12:00am
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang suspect ang isang babae na pinaniniwalaang may diperensiya sa pag-iisip matapos na ito ay gahasain at matagpuang walang saplot kahapon ng umaga sa Luzon Avenue,Quezon City.
Kinilala ni PO2 Joseph Madrid ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division (QCPD-CID) ang biktima na si Josephine Lee, 39, dalaga, tubong Iloilo at residente ng No.13 Area 9 Luzon Ave., Brgy. Holy Spirit, Quezon City
Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nagtamo ng 21 saksak sa katawan sa may Corregidor St., Luzon Ave., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakita na lamang ang bangkay ng biktima ng mga residente na nakahandusay sa isang makitid na eskinita na wala umanong saplot pambaba at natagpuan umano ang mga damit nito sa kanyang ulunan.
Nabatid na noong Disyembre 28 nang magsimulang magpagala-gala sa lugar ang biktima hanggang sa posible umanong nakursunadahan ng mga addict at saka isagawa ang krimen.
Dahil dito ay malaki ang hinala ng mga awtoridad na posibleng ginahasa muna ang biktima bago pinagsasaksak ng mga pinaghihinalaang mga addict saka basta na lamang iniwan sa nasabing lugar.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad upang matukoy kung sino ang salarin sa nasabing krimen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am