Nabatid mula sa motion na inihain ng DOJ sa pamamagitan ni State Prosecutor Romeo Senso, hiniling nito sa korte na agad na magpalabas ng HDO laban sa gobernador kasama sina Pedro Castillo at Leo Bello upang matiyak na hindi tatakasan ng mga ito ang imbestigasyon.
Ipinaliwanag ni Senso na sa pamamagitan ng HDO mapipigilan na makatakas palabas ng bansa ang tatlo na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and explosives.
Noong nakaraang linggo isinampa ng DOJ ang naturang kaso laban sa mga nabanggit.
Gumamit din si Valera ng sasakyang walang plaka ng ito ay madakip sa Quezon City.
Bukod diro, nadadawit din ang pangalan ng gobernador sa pagpaslang kay Abra Cong. Luis Bersamin Jr.
Ang aksyon ng DOJ ay kaugnay sa apela na inihain ng mga naulila ni Bersamin para matiyak umanong hindi makakalabas ng bansa si Valera.
Gayunman, ang HDO na hinihiling ng DOJ ay para sa kasong illegal possession of firearms ng tatlong nabanggit. (Grace dela Cruz)