^

Metro

Hold departure order vs Gov. Valera, giit ng DOJ

-
Tuluyan nang ipinasailalim ng Department of Justice (DOJ) sa Quezon City Regional Trial Court na magpalabas ng hold departure order (HDO) laban kay Abra Gov. Vicete Valera at sa dalawang bodyguards nito.

Nabatid mula sa motion na inihain ng DOJ sa pamamagitan ni State Prosecutor Romeo Senso, hiniling nito sa korte na agad na magpalabas ng HDO laban sa gobernador kasama sina Pedro Castillo at Leo Bello upang matiyak na hindi tatakasan ng mga ito ang imbestigasyon.

Ipinaliwanag ni Senso na sa pamamagitan ng HDO mapipigilan na makatakas palabas ng bansa ang tatlo na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Noong nakaraang linggo isinampa ng DOJ ang naturang kaso laban sa mga nabanggit.

Gumamit din si Valera ng sasakyang walang plaka ng ito ay madakip sa Quezon City.

Bukod diro, nadadawit din ang pangalan ng gobernador sa pagpaslang kay Abra Cong. Luis Bersamin Jr.

Ang aksyon ng DOJ ay kaugnay sa apela na inihain ng mga naulila ni Bersamin para matiyak umanong hindi makakalabas ng bansa si Valera.

Gayunman, ang HDO na hinihiling ng DOJ ay para sa kasong illegal possession of firearms ng tatlong nabanggit. (Grace dela Cruz)

ABRA CONG

ABRA GOV

DEPARTMENT OF JUSTICE

LEO BELLO

LUIS BERSAMIN JR.

PEDRO CASTILLO

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

STATE PROSECUTOR ROMEO SENSO

VALERA

VICETE VALERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with