NCRPO bantay-sarado sa bomb smuggling sa Metro
January 13, 2007 | 12:00am
Upang maiwasan na umabot sa Metro Manila ang pambobomba sa Mindanao, bantay sarado ngayon ang puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa bomb smuggling na posibleng gamitin sa paghahasik ng terorismo.
Ayon kay (NCRPO) chief Director Reynaldo Varilla, naglatag sila ng mga checkpoints sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila para maiwasan ang kahalintulad na insidente ng pambobomba na yumanig sa tatlong lungsod sa Mindanao noong Enero 10.
Sinabi ni Varilla na higit pa nilang hinigpitan ang pagpapatupad ng seguridad sa Metro Manila partikular na kung gabi para maharang ang posibleng pagpupuslit ng mga bomba ng teroristang grupo.
Inihayag ni Varilla, nagpakalat na siya ng karagdagan pang 250 pulis para magbantay sa bisinidad ng mga malls, LRT, MRT stations, daungan, paliparan, terminal at iba pang mga matataong lugar.
Ayon kay Varilla, may mga ipinakalat silang mga pulis na nakasuot ng sibilyan sa mga bus terminals at pampasaherong bus para tiyakin ang seguridad ng mga commuters.
Samantalang mahigpit ring binabantayan ang mga pangunahing instalasyon ng gobyerno, oil depots na itinuturing na mga soft targets ng terror attack.
Noong Miyerkules ng gabi matapos magbukas ang ika-12th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cebu ay niyanig ng tatlong insidente ng pambobomba ang mga lungsod ng General Santos, Cotabato at Kidapawan na kumitil ng buhay ng pito katao, habang 37 pa ang nasugatan.
Kabilang naman sa mahigpit na binabantayan sa MM ay ang mga radikal na Rajah Solaiman Islamic Movement (RSIM) na kaalyado ng mga bandidong Abu Sayyaf Groups at Jemaah Islamiyah terrorists na posibleng maghasik ng terorismo. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended