Bedridden nasunog sa mismong kama
January 12, 2007 | 12:00am
Patay ang isang lalaking nakaratay dahil sa sakit makaraang masunog ang kama nito dahil sa natumbang gasera, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.
Patay na nang matagpuan dahil sa suffocation at bahagyang pagkasunog ng katawan si Ancelmo Lanas, 69, ng Block 11, Lot 23 San Miguel Phase 4, Champaca Extension Brgy. Fortune ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay Inspector Jose Salazar, hepe ng Criminal Investigation Division ng Marikina Police natagpuan ang wala nang buhay na biktima dakong ala-1:30 ng hapon ng pamangkin nitong si Carlo Alboro, 12,
Nabatid na sisilipin sana ng bata kung ano ang lagay ng kanyang tiyuhin na matagal ng nakaratay dahil sa karamdaman subalit laking gulat nito ng makita na sunog na ang hinihigaan nitong kama, gayundin ang ilang bahagi ng katawan.
Lumalabas na natumba ang nakasinding gasera malapit sa hinihigaan ng biktima na agad na kumalat dahilan ng pagkasunog sa higaang kahoy nito. Nabatid na mag-isa lamang sa bahay ang biktima at hinahatiran lamang ito ng pagkain ng mga kamag-anak na nakatira malapit sa kanyang bahay. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest