^

Metro

Bangkay ng misis na kinatay, ibinaon ng mister, nahukay na

-
Nahukay na ng mga tauhan ng pulisya ang bangkay ng isang misis na kinatay at saka ibinaon ng sarili niyang asawa katulong ang dalawang pinsan ng huli kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Ang karumal-dumal na krimen ay nabunyag dahil na rin sa ginawang pagmamayabang ng isa sa mga suspect sa isang inuman kung kaya’t kumalat ang pagkapaslang nila sa biktimang si Arlyn Lacaba.

"Yung babaeng maingay (Arlyn), wala na tinodas na namin tapos ibinaon na namin para hindi makapag-ingay", ito umano ang pagyayabang ng isa sa mga suspect na si Cayetano Natividad.

Si Natividad kasama ang iba pang suspect na si Eric Garcia at asawa ng pinatay na ginang na si Enrico Lacaba ay magpipinsan at nahulog na sa kamay ng batas matapos ang isinagawang krimen noong nakalipas na Disyembre 22. Ang mga ito ay pawang mga caretaker sa may 800 metro kuwadradong lupa sa Santolan St., La Colina Brgy. Fortune ng nabanggit na lungsod.

Sa panayam naman sa mister ng biktima na si Enrico, sinabi nitong wala silang balak patayin si Arlyn at nagdilim lamang ang paningin nilang magpipinsan nang pagbungangaan sila ng biktima habang nag-iinuman.

Si Garcia umano ang unang sumaksak sa kanyang asawa gamit ang ice pick at sinundan naman ng isa pa niyang pinsan na si Natividad, habang siya naman ang pumalo ng dos por dos sa ulo nito.

Upang maitago ang krimen ay inilibing ng mga suspect sa bakanteng lote ang biktima at dahil sa pag-iingay ni Natividad ay nabunyag ang itinagong krimen. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ARLYN

ARLYN LACABA

CAYETANO NATIVIDAD

EDWIN BALASA

ENRICO LACABA

ERIC GARCIA

LA COLINA BRGY

MARIKINA CITY

NATIVIDAD

SANTOLAN ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with