^

Metro

No phase-out sa jeep - LTFRB

-
Walang magaganap na pag-phase out sa mga pampasaherong jeep sa bansa.

Ito ang niliwanag kahapon ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Thompson Lantion bilang reaksyon sa pahayag ni Orlando Marquez, Pangulo ng Makati Jeepney Operators and Drivers Association (MJODA) na dapat na umanong ipagbawal sa kalsada ang mga pampasaherong jeep na may edad 10-taon pataas upang higit na mapangalagaan ang kapakanan ng mga pasahero.

Sinabi naman ni Lantion na ang mga pampasaherong jeep ay bahagi na ng kultura ng bansa na tinaguriang "King of the Road" kaya’t hindi maaaring alisin sa mga lansangan.

Sumailalim naman at nakapasa umano ang mga ito sa road worthiness test ng Land Transportation Office kaya’t nairehistro ang mga ito.

Hindi naman anya mairerehistro ang mga ito kung depektibo at kung hindi papasa sa pagkilatis ng Motor Vehicle Inspection section ng LTO. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CHAIRMAN THOMPSON LANTION

CRUZ

DRIVERS ASSOCIATION

KING OF THE ROAD

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MOTOR VEHICLE INSPECTION

ORLANDO MARQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with