Babaeng assassin ng NPA, timbog
January 12, 2007 | 12:00am
Nasakote ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 33-anyos na babae na umanoy miyembro ng New Peoples Army (NPA) na naatasang likidahin ang gobernador ng lalawigan ng Batanes, kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Maynila.
Nakilala ang nadakip na amasona na si Bisit Guero, alyas Kumander B at Ka Cita, tubong Basco, Batanes at residente ng Radium St., San Andres Bukid.
Inamin ni Guero na siya ay miyembro at hitman ng NPA sa ilalim ng Basco, Batanes Dibay Group. Ibinulgar din nito na siya ay naatasan na pumaslang kay Batanes Gov. Angelica Amante na kasalukuyang nasa Maynila.
Sa ulat ng MPD-Station 6, nadakip ng mga tauhan ng MPD-Dagonoy Police Community Precinct si Guero dakong alas-2 ng madaling araw kahapon sa panulukan ng Onyx at Dagonoy St. sa San Andres Bukid matapos na manutok ng kalibre .38 sa isang grupo ng mga lalaki na hinahamon nito ng away.
Hindi na nakapalag si Guero nang arestuhin ng mga pulis at kumpiskahin ang kanyang baril na walang kaukulang dokumento. Inihahanda na ngayon ang kasong illegal possession of firerarms at alarm and scandal laban dito. Patuloy pa rin naman ang isinasagawang interogasyon dito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am