Parak, alalay niratrat, todas
January 11, 2007 | 12:00am
Patay ang isang pulis at ang alalay nito matapos na pagbabarilin ng isang hindi nakikilalang lalaki habang nag-iinuman ang dalawa sa tapat ng tinitirhan nilang gusali sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dakong ala-1 ng madaling-araw nang ideklarang patay sa Tondo Medical Center ang mga biktimang nakilalang sina PO2 Esmeraldo Sasil, 44, nakatalaga sa Manila Police District-Headquarters and Support Unit at ang alalay nito na si Arjay Haguilan, 28, kapwa residente ng Building 4 Unit 69 Temporary Housing Vitas, Tondo.
Nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang suspect dala ang ginamit na baril sa krimen.
Sa ulat ni SPO2 Edmundo Cabal ng MPD-Homicide Section, naganap ang pamamaril dakong alas-11:30 ng gabi sa tapat ng Building 4 ng Temporary Housing sa Tondo kung saan nag-iinuman sina Sasil at Haguilan. Bigla na lamang dumating ang suspect at agad na binaril ng tatlong ulit sa katawan ang pulis. Inakala naman ng suspect na tutulong si Haguilan kaya pinaputukan din ito ng suspect at saka mabilis na tumakas.
Malaki ang paniwala ng pulisya na isang kaaway ng pulis ang nagsagawa ng krimen at maaaring residente rin sa naturang lugar. Hindi naman makakuha ng lead ang pulisya dahil sa hindi pakikipagtulungan ng mga residente sa takot na madamay. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest