^

Metro

Suspect sa Bersamin-slay pinahirapan kaya umamin

-
Inamin kahapon ng anak ng arestadong si Master Sgt. Rufino Panday na si Benjie Panday na pinahirapan ang kanyang ama ng mga pulis kaya umamin ang una na may alam sa naganap na pagpatay kay Abra Rep. Luis Bersamin Jr. at magturo ng inosenteng tao kaugnay ng krimen.

Ito ang sinabi ni Benjie Panday, anak ni M/Sgt. Rufino Panday sa ginanap na arraignment kahapon sa Qezon City Regional Trial Court Branch 88 na na-postpone bunsod ng pagkuwestiyon ng abogado nito kaugnay ng pag-aresto dito na illegal.

Ayon sa batang Panday, nakaranas umano ng pagpapahirap ang ama nito sa kamay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na di nito tinukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Atty. Galileo Angeles, illegal ang pag-aresto sa kliyente nitong si Panday kung kaya’t dapat na muling pag-aralan ang kaso laban dito.

Hiniling din nito kay RTC Judge Rosanna Maglaya na ilipat si Panday sa Quezon City Jail mula sa Camp Crame.

Samantala, nagsampa sa tanggapan ng Ombudsman ng kasong administratibo ang Special Operations Division-Task Force Limban ng Traffic Management Group, laban kay Abra Governor Vicente Valera.

Sa tatlong-pahinang complaint ng PNP-TMG, hiniling nito na dapat isailalim sa preventive suspension si Valera. (Angie dela Cruz at Joy Cantos)

ABRA GOVERNOR VICENTE VALERA

ABRA REP

AYON

BENJIE PANDAY

CAMP CRAME

GALILEO ANGELES

JOY CANTOS

JUDGE ROSANNA MAGLAYA

PANDAY

RUFINO PANDAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with