Ito ang binigyang-diin ni Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit (QCPD-CIU) chief, Supt. Frank Mabanag kaugnay ng kanilang isinasagawang imbestigasyon sa kaso ni Bersamin.
Ayon kay Mabanag, may natanggap umano siyang impormasyon na ang pagsuko ni Dupo ay bunsod na rin ng pangamba nito sa kanyang buhay at likidahin ng third force upang palitawing lutas na ang kaso.
Samantala, hanggang sa ngayon ay naghihintay pa rin ang pulisya sa pagtungo ni Abra Gov. Vicente Valera upang magbigay-linaw sa kaso matapos na masangkot ang kanyang pangalan sa pamamaslang sa kongresista.
Sinabi ng pulisya na iginagalang naman nila ang desisyon ng gobernador lalo pat sinasabi nito na ang kanyang pagtatago ay para na rin sa kanyang seguridad.
Gayunman, sinabi ng pulisya na mas makabubuti kung magtutungo ito sa kanilang tanggapan at sabihin ang kanyang nalalaman sa halip na magbigay ng mga pahayag sa ibat ibang pulong-balitaan o istasyon ng telebisyon.
Matatandaan na pinatay si Bersamin matapos na dumalo sa kasal ng pamangkin sa Mt. Carmel Church sa Quezon City noong Disyembre 15. (Doris Franche)