^

Metro

V-day bomber arestado

-
Bumagsak sa mga intelligence operatives ng Philippine National Police (PNP) ang isang itinuturing na top explosive expert ng Rajah Solaiman Islamic Movement (RSIM), ang radikal na grupo ng mga rebeldeng Muslim na kaalyado ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na sangkot sa Makati City Valentine’s Day bombing noong 2005.

Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Crame, iprinisinta ni PNP chief Director General Oscar Calderon ang nasakoteng RSIM bomber na si Ricardo Ayeras, alyas Abdul Kareem.

Ayon kay Calderon, si Ayeras ay nabitag ng mga elemento ng PNP Intelligence Group nitong nakalipas na linggo at ngayon lamang nila iniharap sa mediamen dahilan kailangan pa itong isailalim sa masusing interogasyon kaugnay ng pagkakadawit sa Valentine’s day bombing noong Pebrero 14, 2005 sa lungsod ng Makati matapos na sumabog ang bomba na itinanim sa isang pampasaherong bus sa EDS, malapit sa Ayala na kumitil sa buhay ng 3 katao habang 103 pa ang nasugatan.

Sinabi ng PNP chief na dinakip ang suspect sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Marissa Macaraig-Guillen ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 60 kaugnay ng kasong rebelyon sa madugong pambobomba at wala ring inirekomendang piyansa laban sa naturang bomber.

Nabatid na si Ayeras ay kabilang sa mga pioneer na miyembro ng RSIM na mahigpit na tinutugis ng mga awtoridad upang hindi na ito makapagsagawa pa ng pananabotahe tulad ng pambobomba sa Metro Manila at iba pang mga pangunahing lugar sa bansa.

Sinabi ni Calderon na walang kinalaman sa banta ng terorismo sa Asean Summit na gaganapin sa Cebu sa darating na Enero 10-15 ang pagkakahuli sa suspect.

Ayon naman kay PNP-Intelligence Group (PNP-IG) director Chief Supt. Ricardo de Leon, noong unang bahagi ng 2002 ay dumalo sa para-military training at RSIM training camp sa Anda, Pangasinan si Ayeras kung saan ay nakatakas ito sa raid ng mga awtoridad sa Anda training camp noong Mayo 1, 2002. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABDUL KAREEM

ASEAN SUMMIT

AYERAS

AYON

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

INTELLIGENCE GROUP

JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with