^

Metro

Ginang inatado ng ka-live-in

-
Dahil sa espiritu ng alak, nagawang katayin ng isang 43-anyos na lalaki ang kanyang ka live-in sa loob ng kanilang bahay sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng mga saksak at taga sa katawan ang biktimang si Rowena Santos, 39, vendor at residente ng 1664 Ilang-ilang St. corner V. Mapa, Sta. Mesa.

Agad namang naaresto ng mga opisyal ng barangay at pulisya ang suspect na si Noel Biteneo, driver. Narekober sa posesyon nito ang jungle bolo na ginamit nito sa krimen.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente matapos na makipag-inuman ang suspect sa isang Leopoldo Yumul sa loob ng kanilang bahay.

Matapos ang inuman ay napagdiskitahan ng suspect ang kanyang kinakasamang si Santos hanggang sa tuluyan nang mag-away ang dalawa.

Mabilis na kumuha ng jungle bolo ang suspect at walang habas na pinagtataga at sinaksak si Santos hanggang sa tuluyang masawi ito.

Matapos madakip sinabi ng suspect na hindi niya sinasadya ang pagkapatay sa kanyang ka-live-in. Nawala lamang umano siya sa kanyang sarili dahil sa sobrang kalasingan at nainis sa pagbubunganga ng kanyang kinakasama. Inihahanda na ang kaso laban sa suspect. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DAHIL

DANILO GARCIA

ILANG

INIHAHANDA

LEOPOLDO YUMUL

MABILIS

MAPA

MATAPOS

NOEL BITENEO

ROWENA SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with