^

Metro

Karambola ng 5 sasakyan: 2 patay

-
Dalawa katao ang nasawi at dalawa pa rin ang malubhang nasugatan matapos magkarambola ang limang sasakyan, kabilang ang isang 10-wheeler truck, kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Edrosolan Santos, , isang tsuper ng taxi at Janice Belda, 19-anyos.

Samantala, ang dalawang sugatan ay sina Florita Estrera, 40 at Zaldy Lagui, 25.

Sa sketchy report na natanggap ng Parañaque City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa panulukan ng MIA Road at Roxas Boulevard, Parañaque City.

Nabatid na isang pampasaherong jeep, na minamaneho ng isang nagngangalang Junjun Rasa ang lumabag sa batas trapiko, kung saan kahit naka-red light na ay umarangkada pa rin ito, kung kaya’t bumangga ito sa isang ten-wheeler truck.

Hindi nakontrol ng tsuper na si Generoso Villena, ang preno ng minamaneho nitong ten wheeler truck, kung kaya’t nasalpok nito ang isang taxi na minamaneho nang nasawing si Santos.

Hanggang sa nasagasaan pa rin ng naturang truck ang pedestrian na si Belda, na naging dahilan ng kamatayan nito.

Ang naturang insidente ay nauwi sa karambola pa ng limang sasakyan.

Kaagad namang tumakas ang tsuper ng jeep na si Rasa, kung saan pinaghahanap ito ng mga awtoridad at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injuries at damage to property, sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nabanggit na aksidente. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BELDA

CITY TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

EDROSOLAN SANTOS

FLORITA ESTRERA

GENEROSO VILLENA

JANICE BELDA

JUNJUN RASA

LORDETH BONILLA

ROXAS BOULEVARD

ZALDY LAGUI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with