^

Metro

2 biktima ng salvage natagpuan sa QC

-
Dalawang lalaki na kapwa may piring sa mata at tadtad ng saksak sa katawan na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa compound ng University of the Philippines (UP) sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring kinikilala ng mga awtoridad ang mga biktima na ang isa ay may taas na 5’4 talampakan, malaki ang katawan, nakaputing-t-shirts at shorts, habang ang isa naman ay may taas na 5’3 talampakan at payat ang pangangatawan.

Sinasabing ang dalawa ay labas-masok na sa kulungan dahil na rin sa mga tattoo sa katawan kabilang ang Bahala na Gang (BNG).

Dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng dalawa na kapwa nakatali pa ng mga alambre ang kamay at saka tinadtad ng saksak sa katawan.

May nakalagay ding placard sa ibabaw ng mga bangkay ng mga biktima na ang nakasulat ay ang mga katagang "Huwag kaming tularan, mga snatcher at bukas-kotse kami. Happy New Near- Vigilante Group". (Doris Franche)

vuukle comment

BAHALA

DAKONG

DALAWANG

DORIS FRANCHE

HANGGANG

HAPPY NEW NEAR

QUEZON CITY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

VIGILANTE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with