^

Metro

Parak binoga ng utol

-
Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang pulis makaraang barilin ng kanyang sariling kapatid, kamakalawa ng gabi sa Novaliches, Quezon City.

Nagtamo ng tama ng bala buhat sa kalibre .45 baril sa kanang hita at binti si PO2 Joel Sembre, 35, ng Yakal St., Brgy. Capri, Novaliches, ng nabanggit na lungsod at nakatalaga sa Task Force Salinlahi sa Camp Crame.

Samantala, pinaghahanap naman ang nakababatang kapatid nito na si Dionisio, 31 na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-8 ng gabi kamakalawa ng maganap ang insidente sa bahay ng pulis.

Bigla na lamang umanong inagaw ng suspect ang baril ng utol na pulis at saka pinaputok ng dalawang beses sa huli. Sinasabing minasama marahil ng suspect ang payo ng pulis na umuwi na lamang ang una sa kanilang probinsiya.

Napag-alaman pa na ibat-ibang bisyo ang ginagawa ng suspect kaya pinaalalahanan ito ng pulis na minasama naman ng nakababatang kapatid at humantong sa pamamaril. (Doris Franche)

AYON

BIGLA

BRGY

CAMP CRAME

DORIS FRANCHE

JOEL SEMBRE

NOVALICHES

QUEZON CITY

TASK FORCE SALINLAHI

YAKAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with