Dahil Sa Awayan Ng Magkalabang Grupo: Tensyon sa isang barangay sa Pasig, tumitindi
January 3, 2007 | 12:00am
Matinding tensyon pa rin ang namamayani sa isang lugar sa Brgy. Palatiw sa Pasig City matapos na magsilikas na ang ilang residente rito sa takot na madamay sa nangyaring patayan ng magkalabang grupo.
Ayon sa police source ang tensyon ay sanhi ng ginawang pamamaril ng apat na armadong kalalakihan noong nakalipas na Disyembre 31 dakong alas-11:45 ng gabi sa kahabaan ng E. Santos St. sa nasabing barangay kung saan isa ang nasawi at marami pa ang nasugatan habang masayang ipinagdiriwang sa naturang compound ang Bagong Taon.
Nagbanta pa umano ang mga suspect na susunugin nila ang buong barangay para maiganti ang kanilang napatay na kasamahan ng kalabang grupo na nakatira sa nasabing lugar.
Nasawi sa insidente si Eduardo Bernardo at siyam pa ang nasugatan kabilang ang dalawang paslit. Dahil sa banta, tuluyan na umalis ang ilang residente rito para hindi na madamay sa awayan ng dalawang grupo. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended