^

Metro

Mag-asawa dedo sa banggaan

-
Kapwa patay ang isang lalaki at umano’y misis nito habang malubhang nasugatan ang tatlo pang katao matapos na salpukin ng isang rumaragasang Toyota Corolla ang kanilang sinasakyang tricycle sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Namatay noon din ang biktima na si Jeneta Tolentino, 35, ng 260 Dulong Tangke, Brgy. Malinta, bunga ng matinding pinsala sa katawan samantalang binawian ng buhay habang ginagamot ang mister nito na si Joselito, 58, sa Jose Reyes Memorial Hospital.

Kasalukuyan ding nilalapatan ng lunas sa naturang pagamutan ang iba pang biktima na sina Michael Aguilar, 25, binata, driver; Jeffrey Gastalla, 19, may-asawa, kapwa ng Dulong Carnation St., Brgy. Malinta; at Bernard Bautista, 26, may-asawa ng #41 Bernardo St., Sumilang Subd., Brgy. Dalandanan, sa lungsod.

Arestado naman ang nakabanggang driver ng Toyota Corolla na si Eugene Tuazon, 27, may-asawa, ng 48 Bernabe St., Brgy. Dalandanan sa lungsod.

Ayon sa ulat, alas-2 ng madaling-araw nang mangyari ang sakuna sa kahabaan ng MacArthur Highway, partikular sa harap ng Kalahi Funeral services sa Karuhatan.

Sinasabing sakay ng isang tricycle na minamaneho ni Aguilar sina Gastalla at mag-asawa bilang mga pasahero patungong Karuhatan nang biglang salpukin ng rumaragasang Toyota na minamaneho naman ni Tuazon patungong Dalandanan. Sakay ni Tuazon ang biktimang si Bautista nang mangyari ang insidente. Sa malakas na pagkakasalpok ay nagkayupi-yupi ang harapan ng kotse pati ang tricycle na nagresulta sa pinsalang natamo ng mag-asawa at iba pang biktima. (Ellen Fernando)

vuukle comment

BERNABE ST.

BERNARD BAUTISTA

BERNARDO ST.

BRGY

DALANDANAN

DULONG CARNATION ST.

DULONG TANGKE

ELLEN FERNANDO

EUGENE TUAZON

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with