3 sunog naitala sa QC sanhi rin ng paputok
January 2, 2007 | 12:00am
Tatlong insidente ng sunog na pinaniniwalaang sanhi rin ng paputok ang naganap sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon, kahapon ng madaling-araw.
Nabatid kay SFO1 Romeo Foronda ng Bureau of Fire Protection ng Quezon City, halos magkasabay na sumiklab ang sunog sa nasabing lungsod kung saan dakong ala-1:05 unang lumiyab ang bahay ng isang Primo Atillon, 61-anyos na matatagpuan sa Molave St., Nagkaisang Nayon, Brgy. Damong Maliit, Novaliches.
Kasabay nito ay ang pagkakaabo ng isang bahay sa Agham Road corner North Ave., Brgy. Pag-asa na naapula dakong ala-1:07.
Dakong alas-2:25 naman ng madaling-araw nang muling rumesponde ang bumbero sa Coronet St., corner Dhalia St., Fairview makaraang masunog ang ilang kabahayan doon dahil pa rin umano sa paputok.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa mga nabanggit na sunog, habang inaalam pa ng mga awtoridad kung magkano ang halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy. (Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended