^

Metro

Party niratrat: negosyante todas, 9 pa sugatan

-
Isang 50-anyos na negosyante ang nasawi, habang nasa malubhang kalagayan naman ang siyam na iba pa makaraang paulanan ng bala ng apat na hindi pa kilalang armadong kalalakihan ang party sa kalsada na idinaos ng mga una at mga kapitbahay na sama-samang naghihintay sa pagsalubong ng Bagong Taon, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang nasawi na si Eduardo Bernardo, habang patuloy na inoobserbahan sa iba’t ibang pagamutan ang 9 na biktima na kinilalang sina Ruben Fretrias, 26; Jenny Laprota, 32; Eduardo Edcay, 32; Armado Falabi, 38; Ronna Charis Hermogenes, 6; Robert Jutilla, 45; Johnny Mamagan, 37; Joanna Grace Kagalit, 5; at Evelyn Hubilla, 41, pawang magkakapitbahay sa E. Santos St. Brgy. Palatiw, Pasig City.

Samantala, agad namang tumakas ang apat na hindi pa nakilalang mga suspect na pawang naglakad lamang patakas matapos ang ginawang pamamaril sa mga biktima.

Ayon kay PO2 Clifford Hipolito, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi habang nagkakasayahan ang magkakapitbahay at nagdaraos ng isang party sa kalsada habang hinihintay ang pagsalubong ng Bagong Taon. Sa gitna ng kasiyahan ay bigla umanong dumating ang mga suspect na halos sabay-sabay na nagsibunot ng kanilang .45 at 9 mm. kalibre ng mga baril at walang habas na pinagbabaril ang mga tao na nagkakasayahan. Dahil sa nangyari ay agad na nagkagulo ang mga residente at nagkani-kanya ng panakbuhan at pagkubli na sinamantala ng mga suspect upang tumakas patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Ayon naman sa isang saksi, nainis umano ang mga suspect dahil hindi sila makadaan dahil sa nagkakasayahang mga residente kaya pinagbabaril sila ng mga ito. Kasalukuyan namang nagsasagawa ng malawakang manhunt operation ang pulisya para sa agarang ikadarakip ng mga suspect. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ARMADO FALABI

AYON

BAGONG TAON

CLIFFORD HIPOLITO

EDUARDO BERNARDO

EDUARDO EDCAY

EDWIN BALASA

EVELYN HUBILLA

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with