^

Metro

Simbahan sa Las Piñas naabo sa paputok

-
Naabo ang itinuturing na historical church sa Las Piñas City matapos na matalsikan ang bubungan nito ng paputok sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Las Piñas Fire Marshal Robert Pacis, dakong alas-12:05 ng madaling-araw nang mag-umpisang magliyab ang Mary Immaculate Parish Church sa Moonwalk Village ng Las Piñas.

Nabatid na dahil sa mga inihahagis na paputok ng mga residenteng nagkakasiyahan ay natalsikan ang bubong ng simbahan ng baga ng paputok dahilan upang agad itong magliyab. Agad namang rumesponde ang mga bumbero subalit dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay agad na lumiyab ang buong gusali ng simbahan hanggang sa tuluyang maabo ito.

Umabot naman sa mahigit sa isang oras ang sunog bago ito naideklarang under control ng mga bumberong rumesponde. Wala namang nadamay na kabahayan sa nasabing sunog habang tinatayang aabot sa P1M ang halaga ng mga ari-arian na naabo sa nasabing insidente. Bukod dito ay wala ring nasugatan o nasawi sa nasabing sunog. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

BUKOD

EDWIN BALASA

FIRE MARSHAL ROBERT PACIS

LAS PI

MARY IMMACULATE PARISH CHURCH

MOONWALK VILLAGE

NAABO

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with